Hindi na mag reresign ang Barangay Kagawad sa Naga City na nag post na magbibitiw siya sa puwesto kung hindi matutuloy ang Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa Nobyembre.

Ito raw ang kaniyang desisyon bilang pagkilala at pag respeto sa mga taga suporta.

Aniya tumungo sa kanilang tahanan ang ilang mga residente para ipanawagan na huwag siyang bumitiw.

Ito rin umano ang payo ng iba pang mga kapwa opisyal sa mga karatig barangay.

Agosto nang mag post si Cepe na magreresign kung hindi matutuloy ang Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa Nobyembre, ito raw ay para mabigyan ng pagkakataon ang iba na mag silbi.

-- ADVERTISEMENT --

Ngayon, ipagpapatuloy niya ang pagsilbi sa mga residente.