
Ipinamahagi ng Pag-IBIG Fund at Naga City government ang unang batch ng abot-kayang housing units para sa mga kwalipikadong empleyado ng lungsod.
Sakop ng Naga City Employees’ Housing Project ang 576 housing units sa BellaVita Naga sa Barangay Pacol, na nagkakahalaga ng ₱350,000 bawat unit.
Maaaring bilhin ng mga kwalipikadong empleyado ang mga unit gamit ang Pag-IBIG Housing Loan na may subsidized na interest rate na 3% kada taon sa unang limang taon, sa ilalim ng Expanded 4PH Program.
Mahigit 100 empleyado na ang nakakuha ng housing loan, habang target ng pamahalaang lungsod na makumpleto ang pagkuha sa lahat ng 576 units pagsapit ng Oktubre.










