TUGUEGARAO CITY- Nagsasagawa na ng hot pursuit operation at paghahanap ang mga pulis kasama ang mga barangay officials sa isang kagawad ng Mallig, Isabela na pinagbabaril at kinuha ng mga salarin.

Ayon Feliciano Pagaduan Jr., bayaw ni kagawad Louie Duque ng Brgy. Trinidad na pauwi na ang biktima sakay ng motorsiklo mula sa pagkakarpintero sa bahay ng kanyang tiyuhin ng pagbabarilin siya ng mga salarin na sakay ng puting sasakyan.

Sinabi ni Pagaduan, matapos ang pamamaril ay kinuha ang kagawad.

Ayon sa kanya, posibleng nagtamo ng tama ng baril ang kagawad dahil sa may bakas ng dugo sa crime scene.

Idinagdag pa ni Pagaduan na wala naman silang alam na motibo sa pamamaril sa kanyang bayaw.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid pa na hindi kapiling ng kagawad ang kanyang pamilya dahil sila ay nasa Bulacan.