Nagsumite na ng tugon ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa Taguig City Prosecutor’s Office bilang sagot sa counter-affidavit ni Ramil Madriaga kaugnay ng kasong perjury.

Ayon kay Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., hindi napatunayan ni Madriaga na mali ang paratang ng perjury at lalo lamang itong nabaon dahil sa mga bagong kasinungalingan sa kaniyang huling pagsusumite ng dokumento.

Tinawag din nila na kasinungalingan ang alegasyon ni Madriaga, at sinabing ang mga ipinakitang larawan ng mga virtual meetings ay bahagi lamang ng malalaking online group meetings kung saan isa lamang siya sa maraming kalahok.

Sa ngayon, pinag-aaralan na rin nila ang posibilidad ng karagdagang perjury charges laban kay Madriaga dahil sa kanyang mga isinumiteng affidavit.