
Inihayag ni Nicholas Kaufman, lead legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa pagpapasiya na ng judges sa International Criminal Court (ICC) sa kaso ng dating pangulo.
Iginiit ni Kaufman na ang proseso ay hindi isang “show” subalit isang legal na proseso na base sa mga ebidensiya.
Sinabi ito ni Kaufman matapos ang conclusion ng confirmation of charges hearing kahapon.
Ayon kay Kaufman, matapos ang presentasyon ng mga ebidensiya ng prosecution at depensa, umaasa sila na maglalabas ng tamang desisyon ang mga judge.
Inaasahan na maglalabas ng ruling ang judges sa Pre-Trial Chamber 1 sa loob ng 60 araw.
Kasabay nito, sinabi ni Kaufman na hindi niya hiniling muli ang interim release ni Duterte, dahil nakabinbin ang kanilang apela sa unang review of detention sa ICC.










