Inaasahan ng Department of Tourism na mapasigla ang turismo sa pamamagitan ng inilunsad na kauna-unahang Philippine Motorcycle Tourism Caravan na isinagawa noong April 25 hanggang 28 sa Lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Ayon kay DOT Regional Director Fanibeth Domingo, ang apat na araw na caravan ay sinalihan ng 120 participants na kinabibilangan ng mga motorcycle enthusiast sa ibat-ibang lalawigan ng Region 2, kasama na ang mga support and staff ng Highway Patrol Group, Local PNP at media.

Sinabi ni Domingo na nagsimula ang paglalakbay sa Ramon, Isabela hanggang sa boundary ng Cagayan sa Pagudpud, Ilocos Norte bago bumalik ang grupo at dinaanan ang mga importanteng landmark lalo na sa mga religous site sa Cagayan at Isabela.

Bukod sa motorcycle tourism ay nagkaroon din ng demonstration sa mga farm site sa pagluluto ng mga kilalang pagkain sa mga bayan at siyudad na bahagi ng kanilang kultura.

Dagdag pa ni Domingo na layon ng naturang caravan na maipakilala ang mga iba pang tourist destination sa rehiyon kasunod ng muling pagbubukas ng turismo sa pamamagitan ng mga motorcycle riders na maituturing na travel ang tourism ambassador ng Rehiyon dos.

-- ADVERTISEMENT --

Sa susunod na Linggo, isasagawa naman ng DOT ang familiarization tour sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.