Natuklasan sa isang bagong pag-aaral na posibleng may kaugnayan ang nitrate-contaminated drinking water sa humigit-kumulang 120 kaso ng premature births kada taon sa New Zealand.

Batay sa pananaliksik ng mga eksperto mula sa Canterbury, Otago, at Massey universities, tumataas ang panganib ng maagang panganganak habang tumataas din ang antas ng nitrate sa inuming tubig, kahit mas mababa pa ito sa legal na limitasyon ng bansa.

Ayon sa mga mananaliksik, malaking bahagi ng nitrate pollution ay nagmumula sa paggamit ng pataba at dumi ng mga alagang hayop sa industriya ng agrikultura, lalo na sa dairy farming.

Sinuri sa pag-aaral ang mahigit 735,000 panganganak mula 2008 hanggang 2021, at tinatayang nasa 4% ng lahat ng premature births ang maaaring maiugnay sa pagkakalantad sa nitrate sa inuming tubig.