
Unang komersyal na shipment ng fermented cacao beans mula Pilipinas ang ipinadala sa New Zealand, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Umabot sa 6,000 kilo ng fermented cacao mula Kapalong, Davao del Norte ang ipinadala noong Hulyo 13 at inaasahang darating sa Port of Lyttelton sa kalagitnaan ng Agosto.
Ayon sa DA, sumailalim ang mga cacao beans sa limang araw o 120 oras na fumigation at isinagawa rin ang kinakailangang aeration bago ipadala.
Sinabi ng DA na halos katumbas na ng kabuuang cacao exports ng Pilipinas noong 2025 ang naturang shipment, na nasa 6,232 metriko tonelada.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., makatutulong ang pagbubukas ng bagong export market upang magkaroon ng dagdag na kita ang mga magsasaka at mapalakas ang agricultural exports ng bansa.










