Kuha sa CCTV ang pagkahulog at paggulong ng isang malaking bato mula sa bundok patungo sa kalsada sa Kennon Road, Camp 7, Baguio City kahapon, Hulyo 19, 2025.
Isang bahay at isang sasakyan ang nadaganan nito.
Wala namang naitalang nasugatan sa insidente ngunit isang aso ang nadaganan ng bato base sa footage.
Ayon sa ulat ng Baguio City PIO, wala umanong tao sa bahay at sa sasakyan nang mangyari ang insidente dahil lumikas sa lugar ang pamilya na nakatira roon bilang paghahanda sa banta ng bagyo.
Ang sasakyan naman ay nakaparada lamang sa lugar.
-- ADVERTISEMENT --