Nauwi sa pamamaril ang ginawang pagsaway ng isang lalaki dahil sa maingay na muffler sa Barangay Pagala, Bucay, Abra.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang Bucay Police Station mula sa isang concerned citizen na may nangyaring pamamaril sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa inuman ang biktima at nang makauwi ito sa kanilang bahay, nakipagtalo ito sa dalawang suspek dahil sa kanilang maingay na muffler.

Kasunod nito ay basta na lamang binaril ng mga suspek ang biktima at tumakas ang mga ito sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktima na naisugod naman sa pagamutan ng mga rumespondeng mga pulis subalit idineklara siyang dead on arrival.

-- ADVERTISEMENT --

Agad na nagsagawa ng manhunt operations ang pulisya matapos na malaman ang pagkakakilanlan ng hindi muna pinangalan na suspek.