TUGUEGARAO CITY- Dead-on -the -spot ang isang waiter/helper sa isang fastfood chain matapos salpukin ang kasalubong na bus habang lulan ng kanyang motorsiklo dito sa lungsod ng Tuguegarao, kaninang madaling araw.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, maaring hindi napansin ng biktimang si Mark Jaykee Gannaban, residente ng Barangay Lagum, Peñablanca ang kasalubong na bus sa pakurbadang bahagi ng daan sa Brgy. Caggay.
Dahil dito , nabasag ang ulo at nabali ang paa ng biktima na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Nabatid na papunta sana sa Maynila ang bus na minaneho ni Jack Sison nang mangyari ang insidente.