Blangko pa sa ngayon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pamamaril patay sa 27-anyos na lalaki sa bayan ng Enrile, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PMaj. Lorvinn Layugan, hepe ng PNP-Enrile, naglalakad pauwi sa Barangay Lemu Sur galing sa lamay sa Lemu Norte ang biktimang si Johnrich Mabborang, kasama ang asawa noong gabi ng August 15 nang binaril sa likuran ang biktima ng mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo.

Ilang segundo lang ay sumulpot ang isa pang riding in tandem at muling pinagbabaril ng maraming beses ang natumbang biktima habang masuwerteng hindi nadamay ang misis nito.

Nabatid na naka-face mask ang apat na suspek na kaagad tumakas matapos ang pamamaril.

Narekober sa crime scene ang sampung basyo ng bala ng di pa matukoy na uri ng baril at isang fired slug ng baril.

-- ADVERTISEMENT --

Samanatala, nanawagan si Layugan sa mga nakasaksi sa pamamaril na lumantad at tumulong sa imbestigasyon.