Idineklara ang state of calamity sa 88 lugar sa Pilipinas dahil sa epekto ng habagat, at ng mga nagdaang bagyong Luis at Maymay na tumama sa bansa, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).

Sa inilabas na update ng tanggapan ngayong Biyernes, Agosto 21, kabilang sa mga isinailalim sa state of calamity ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Pangasinan:
-Dagupan City
-Santa Barbara
-Mangaldan
-Bugallon
-Mangatarem

Bataan (province-wide)
Bulacan (province-wide)
Pampanga (province-wide)

Zambales:
Masinloc

-- ADVERTISEMENT --

Rizal
-Rodriguez

Cavite (province-wide)

Batangas
-Nasugbu

Sa ilalim ng state of calamity, mapapabilis ang paglalabas ng pamahalaan ng emergency funds tulad ng Quick Response Fund, gayundin makokontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang pananamantala, mapigilin ang hoarding at mapabilis pa ang relief, rescue, at rehabilitasyon sa mga napinsala ng mga kalamidad.

Kaugnay din nito, mahigpit na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze o walang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity salig sa Republic Act. No.7581 o Price Act.

Sa ilalim ng batas, ang mga presyo ng essential goods ay mananatili sa kanilang prevailing price sa loob ng 60 araw maliban na lamang kung ito ay i-lift ng mas maaga.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng kabuuang 29 katao na nasawi sa mga tumamang kalamidad, 19 ang nasugatan at tatlo ang napaulat na nawawala.

Naapektuhan din ang nasa 1.9 milyong pamilya o katumbas ng 6.6 milyong indibidwal, kung saan ilan pa rin sa mga ito ang nananatili sa mga evacuation center.

Nag-iwan din ang mga serye ng kalamidad ng malawak na pinsala sa sektor ng agrikultura at imprastruktura.