TUGUEGARAO CITY-Bigo pa ring makita ng mga rescuer ang isang binata na tumalon sa Buntun Bridge, Tuguegarao City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si John Guzman, 21-anyos ng Brgy Caritan.

Ayon kay PCapt. Jose Gaudencio Pagulayan, Deputy Chief of Police ng PNP Solana na unang nag-imbestiga sa insidente, pasado ala-una ng madaling araw nang tumalon sa tulay ang biktima.

Sinubukan aniyang awatin ng kanyang pamilya, nobya at kaibigan, kasama ang PNP Solana at PNP Tuguegarao ang biktima na nasa railings ng tulay at umiiyak subalit tumalon pa rin ito.

Bagamat madilim ay nakita pa aniya na lumutang ang biktima pagbagsak sa ilog hanggang sa tangayin ito ng malakas na agos.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Pagulayan, hindi pa mabatid ang tunay na dahilan ng pagtalon sa tulay ng biktima.

Sinabi naman ni Choleng Sap ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO)-Tuguegarao, tumigil pansamantala ang mga rescuers, kasama ang Philippine Coast Guard at muling ipagpapatuloy ang paghahanap ngayong araw.