May mataas na tsansa na mabuo sa tropical depression ang low pressure area na namonitor sa northern luzon sa loob ng 24 oras.
Huling namataan ang LPA sa katubigan ng Itbayat, Batanes.
Kung sakaling lalo pa itong lalakas, tatawagin ang weather system na tropical depression Auring, ang unang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong panahon ng tag-ulan.
Samantala, ang tropical Storm Wutip, na nananatili sa labas ng PAR, ay patuloy na kumikilos patungong China.
Ito ay huling namataan sa 1,085 kilometers west ng Nothern Luzon, taglay ang pabugso ng hangin na hanggang 65 km per hour.
-- ADVERTISEMENT --
Sa kabila ng presensiya ng Wutip at LPA, ang southwest monsoon o habagat ang nagpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa.