
Pinatawan ng Land Transportation Office o LTO ng lifetime ban ang driver na nakasagasa sa isang 82-anyos na babae na tumatawid sa pedestrian lane sa Maharlika Highway, Naga City, Camarines Sur nitong Lunes.
Isinugod sa Bicol Medical Center ang biktima dahil sa malubhang pinsala ngunit idineklarang dead on arrival.
Inatasan ng LTO ang driver na isuko ang kaniyang lisensya sa Regional Office V Intelligence and Investigation Unit.
Isinailalim din sa alarm ang sangkot na sasakyan kaya suspendido ang mga nakabinbing registration transaction at operasyon nito.
Ayon sa LTO, kailangang managot ang mga driver na naglalagay sa panganib sa buhay ng ibang road users, lalo na sa mga pedestrian na gumagamit ng itinalagang tawiran.
-- ADVERTISEMENT --










