
Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng mga expired na driver’s license, rehistro ng sasakyan, at iba pang dokumento na nag-expire simula Hulyo 1, 2026 dahil sa naging aberya sa Land Transportation Management System (LTMS).
Ayon sa LTO Memorandum Circular No. MVL-2026-5271, saklaw din ng extension ang conductor’s license, student-driver’s permit, at medical certificate.
Walang ipapataw na late fees o multa sa mga renewal na kabilang sa naturang extension habang umiiral ang kautusan.
Mananatili ang palugit hanggang sa kumpirmahin ng Management Information Division (MID) ng LTO na tuluyan nang naayos ang system downtime at slowdown ng LTMS.










