Patay ang isang 22-anyos na lalaki samantalang sugatan naman ang kanyang ama matapos silang tamaan ng kidlat sa Barangay Darapidap, Candon City ng Ilocos Sur.
Nakilala ang mga biktima na sina Fanuel Waga, Sr., 59-anyos, at ang anak nitong si Fanuel Waga Jr., kapwa residente ng naturang lugar.
Nanghuhuli ng isda sa dagat ang mag-ama nang biglang kumidlat at tamaan sila.
Direktang tinamaan ng kidlat sa tiyan ang mas nakababatang Waga samantalang nakaramdam ng pamamanhid sa magkabilang paa ang kanyang ama.
Agad na isinugod sa ospital ang mag-ama, subalit idineklarang dead on arrival ang nakababatang Waga.
-- ADVERTISEMENT --