Posibleng umabot sa Korte Suprema ang magiging hatol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung magkaroon ng isyu sa bilang ng mga boto ng mga senador, ayon kay retired Supreme Court Justice Adolfo Azcuna.

Ipinaliwanag ni Azcuna na kung hindi masusunod ang itinakdang 16 na boto o two-thirds vote na hinihingi ng 1987 Constitution para sa conviction, maaari itong kuwestiyunin sa Korte Suprema sa pamamagitan ng petisyong nagsasaad ng grave abuse of discretion.

Samantala, sinabi naman ni dating Senate President Franklin Drilon na posible ngang dalhin sa Supreme Court ang usapin, ngunit nasa Mataas na Hukuman pa rin ang pagpapasya kung tatanggapin nito ang naturang kaso.