Naaktohan ng isang security guard ang magkasintahan na gumagawa umano ng kahalayan sa Children’s Park na nasa loob ng Burnham Park sa Baguio City.
Ayon sa pulisya, edad 22 ang babae na mula sa La Union at 23-anyos naman ang lalaki na tubong Pangasinan, na hinuli at dinala sa pulisya noong Linggo ng gabi.
Ayon sa pulisya, nagroronda sa parke ang guwardiya dakong 6:00 ng gabi nang una nitong makita ang magkasintahan na naghahalikan.
Hinayaan lang umano ng guwardiya ang dalawa pero kinalaunan ay nakita na niyang hindi na lang halikan ang ginagawa ng dalawa kaya sinita at hinuli na ang mga ito.
Nahaharap sa reklamong grave scandal ang magkasintahan.
Nagpaalala ang pulisya sa publiko na respetuhin ang mga pampublikong lugar gaya ng mga parke at huwag gagawa ng mga kalaswaan.