TUGUEGARAO CITY – Inihahanda na ang kasong attempted at frustrated murder laban sa isang magsasaka na nang-hostage sa kanyang kapitbahay gamit ang itak kaninang umaga sa Sto. Niño, Cagayan.
Sinabi ni Police Capt. Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP Sto. Niño na umabot ng halos 30 minuto ang negosasyon sa hostage taker na si Orlando Iyadan bago siya sinunggaban at itulak ng isang pulis habang nakadagan at nakatutuk ang hawak niyang itak sa kanyang hostage na si Elmer Torda.
Ayon kay Gabatin, nakipagpambuno ang pulis sa suspek hanggang sa maagaw mula sa kanyang ang itak.
Dahil sa insidente, nasugatan sa hinlalaki ang pulis.
Sugatan din sa leeg at hinlalaki ang hostage dahil habang nakatutuk ang itak sa kanyang leeg ay hinawakan niya ito.
Sinabi ni Gabatin, bago ang insidente, nililinis ng hostage ang kanyang tricyle kasama ang kanyang anak na 16 years old nang biglang lumabas ang suspek na may hawak na bagong hasang itak.
Nilapitan ng suspek ang nakababatang Torda subalit nakatakbo ito kaya pinagbalingan niya ang ama ng binatilyo.
Ayon kay Gabatin, galit umano ang suspek kay Torda dahil sa siya ang pinaghihinalaan niyang tumestigo sa kanyang kasong direct assault kaya siya inaresto kamakailan.
Subalit, sinabi ni Gabatin na tila may problema din sa pag-iisip ang suspek dahil sa kanyang sakit na epilepsy.
Vc gabatin aug 14




