
Lumabas sa ulat ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2 na mahigit 1.3 milyong Grade 11 students sa bansa ang nahihirapang unawain ang kanilang binabasa.
Batay sa literacy assessment ng Department of Education noong Marso 2026, tanging 12% lamang ng mga mag-aaral ang itinuturing na independent readers o kayang lubos na maintindihan ang tekstong naaayon sa kanilang grade level.
Ayon pa sa ulat, halos anim sa bawat sampung estudyante ang nasa “frustration level,” ang pinakamababang antas ng literacy kung saan halos walang comprehension.
Samantala, nasa “instructional level” naman ang ilan pang mag-aaral o nangangailangan pa ng gabay ng guro upang maunawaan ang binabasa.








