Pinapa-evacuate ang mahigit 1.9 milyong residente sa anim na prefecture sa Japan habang hinahagupit ng malakas na Typhoon Dujuan ang Tokyo at mga karatig lugar.

Inaasahang magdadala ang bagyo ng matinding pag-ulan, habang nasa 130 kilometro kada oras ang sustained winds at umaabot sa 194 kilometro kada oras ang bugso ng hangin.

Sa Kanagawa, pinangangambahang natabunan ng landslide ang isang babae matapos gumuho ang lupa at tumama sa isang bahay. Isang lalaki naman sa Chiba ang isinugod sa ospital matapos ma-trap habang naglilinis ng mga debris.

Dahil sa bagyo, nasa 300 flight na ang nakansela at ilang train services ang sinuspinde.

Samantala, nasa 50,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente habang patuloy ang pagtugon ng mga awtoridad sa epekto ng bagyo.

-- ADVERTISEMENT --