Mahigit 18 milyong junior high school graduates sa Pilipinas ang itinuturing na functionally illiterate.
Ito ay batay sa 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ibig sabihin, hindi sila gaanong marunong sa pagbasa, pagsulat, pagkwenta, at pag-unawa.
Dahil sa pagbabagong ginawa ng PSA sa kahulugan ng “functional literacy,” bumaba ang bilang ng literate mula 79 milyon sa 60 milyon.
Ang Region IX ang may pinakamataas na bilang ng functional illiteracy, na pinangungunahan ng Tawi-Tawi kung saan 67% ng populasyon ay hindi functional literate.
Sa basic literacy naman, kung saan sinusukat ang kakayahang bumasa at sumulat, nasa 5.8 milyon ang hindi pa rin marunong.
Kaugnay nito, nangako ang Department of Education na magkakaroon ng interventions tulad ng reading assessments at at magtuturo ng mga reading teacher para tugunan ang nasabing problema.