Inaasahan ngayong araw ang matinding init ng panahon sa ilang lugar.

Sa Tuguegarao City, posibleng umabot sa 45°C heat index, habang sa Echague, Isabela ay maaaring umabot sa 44°C.

Nasa danger level ang heat index na ito, kung saan mataas ang panganib ng heat cramps, heat exhaustion, at posibleng heat stroke kapag matagal ang pagkakalantad sa matinding init.