
Inilabas na ng Malacañang ang listahan ng mga regular at special non-working holiday para sa 2027.
Batay sa Proclamation No. 1427 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang sa regular holidays ang New Year’s Day sa January 1, Maundy Thursday sa March 25, Good Friday sa March 26, Araw ng Kagitingan sa April 9, Labor Day sa May 1, Independence Day sa June 12, National Heroes Day sa August 30, Bonifacio Day sa November 30, Christmas Day sa December 25 at Rizal Day sa December 30.
Special non-working days naman ang Ninoy Aquino Day sa August 21, All Saints’ Day sa November 1, Feast of the Immaculate Conception of Mary sa December 8 at huling araw ng taon sa December 31.
Itinakda ring special working day ang ika-41 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa February 25.
Samantala, idineklarang karagdagang special non-working days ang Chinese New Year sa February 6, Black Saturday sa March 27, All Souls’ Day sa November 2 at Christmas Eve sa December 24.
Wala pa sa listahan ang Eid’l Fit’r at Eid’l Adha dahil itatakda pa ang eksaktong petsa batay sa Islamic calendar.










