
Nababahala ang Malacañang sa paggamit ng ilang high-profile na pugante sa political asylum sa ibang bansa upang makaiwas o maantala ang pagharap sa kaso sa Pilipinas.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nabanggit din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na posibleng nagagamit ng mga fugitives tulad ni dating kongresistang Elizaldy Co ang asylum process para ma-delay ang kanilang pagbabalik sa bansa.
Pahayag ito ng Palasyo matapos maghain si Co ng political asylum application sa France habang may kinakaharap samga kaso sa Pilipinas kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Gayunman, nilinaw ng Malacañang na hindi makikialam ang Pangulo sa magiging pasya ng pamahalaan ng France kung pagbibigyan o hindi ang asylum request ng dating mambabatas.
Matatandaang naghain din ng asylum request sa Netherlands si dating Presidential spokesperson Harry Roque kaugnay ng posibleng extradition request laban sa kanya.










