Inaasahan ng mga motorista at mamimili ang panibagong malaking bawas sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry source, posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng P17 hanggang P19 kada litro, habang ang gasolina naman ay maaaring bumaba ng P2 hanggang P3 kada litro.

Sinabi rin ng Department of Energy na posibleng magpatuloy ang rollback dahil sa galaw ng pandaigdigang merkado ng langis.

Ngayong linggo, nagpatupad na ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis, kabilang ang hanggang P6.50 kada litro sa gasolina at hanggang P23 kada litro sa diesel.

Ito na ang ika-15 na price adjustment ngayong taon, na nagresulta pa rin sa kabuuang netong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

-- ADVERTISEMENT --