Inaasahan ang malaking rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo matapos patuloy na bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado sa loob ng tatlong magkakasunod na trading days.

Batay sa unang tatlong araw ng trading, posibleng bumaba ng ₱7.40 kada litro ang diesel, ₱6.70 ang kerosene, at ₱1.80 ang gasolina.

Bunga umano ito ng pag-usad ng usapang diplomatiko sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Mararanasan muli ang rollback matapos ang tatlong sunod-sunod na linggong pagtaas ng presyo, kung saan mahigit ₱18 kada litro ang itinaas sa diesel at mahigit ₱15 sa kerosene mula Setyembre 8 hanggang 22.