TUGUEGARAO CITY-Sinimulan na ngayong araw na ito ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa indoor at crowded places sa lungsod ng Tuguegarao ngayong araw na ito bunsod ng nakakaalarma na pagtaas ng kaso ng covid 19 at bilang ng mga namatay dahil sa nasabing sakit.
Sinabi ni Dr. James Guzman, head ng City Health Office na nakapagtala ang lungsod ng 280 cases at ang pinakamataas ay noong Mayo na may 10 deaths habang ngayong hunyo ay may 54 active cases at may dalawang namatay.
Ayon kay Guzman, walo ang namatay sa hospital at karamihan sa mga ito ay senior citizen na may commorbidity at anim sa mga hindi nabakunahan laban sa covid-19.
Dahil dito, sinabi niya na kailangan na ibalik ang minimum health protocols upang mapababa ang kaso ng virus.
Magtatagal ang nasabing kautusan ng dalawang linggo o hanggang June 21.