Umaasa ang mga pamilya ng tinaguriang Aparri 6 na maituturo ng dalawang nadakip na akusado ang mastermind sa pananambang kay dating Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at 5 kasamahan noong Pebrero 2023.

Ayon sa biyuda ng Vice Mayor na si Elizabeth Alameda, malaki ang kanilang pag-asa para sa inaasam na hustisya kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang body guard ni Aparri Mayor Bryan Dale Chan.

Naaresto ang dalawa na sinasabing lider at miyembro ng private armed group sa Nueva Ecija para sa anim na bilang ng kasong murder.

Nanawagan rin ang Ginang sa mga otoridad para sa agarang pagdakip sa dalawang iba pang akusado sa naturang krimen at maituro ang utak sa pagpatay.

Matatandaang paluwas ng Maynila ang grupo ni Alameda para dumalo sa pagpupulong ng Vice Mayor Leauge ng tambangan ng mga suspek na nakasuot ng uniporme ng pulis sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

-- ADVERTISEMENT --