Kinukumpleto na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang listahan ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Cagayan para sa layuning pagkalooban ng educational scholarship ang kanilang mga anak sa kolehiyo.

Ayon kay Lalaine Pamittan Opena, vision team member ni Governor Egay Aglipay, maglalaan ang provincial government ng pondo para sa pagbibigay ng ng naturang educational assistance.

Ito ay bilang pagpapalawig sa Purok Agkakaysa Scholarship program ni Vice Governor Manuel Mamba kung saan bawat purok ay may tig-dalawang scholar.

Sinabi ni Opena na sa oras na makumpleto na ang listahan ay bababa sila sa bawat barangay upang makipag-ugnayan sa pamilya ng mga magsasaka at mangingisda.

Isa lamang aniya ito sa mga vision ng gubernador na maiangat ang pamumuhay ng bawat pamilya at sa lahat ng sektor sa lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --