
Naging sikat ang isang high school sa Changhua county sa Taiwan dahil sa ibinibigay na challenge sa mga estudyante na akyatin ang 5-storey-high wall para makuha ang kanilang graduation certificates.
Ang kamakailan na free solo climb ni Alex Honnods sa Taipei 101 tower ay nagbunsod ng interes sa Taiwan sa extreme climbing, subalit sa maraming taon, sinasanay ng Ershui Junior High School sa Changhua County sa mga estudyante na maging magagaling na climbers para mapirmahan ang kanilang graduation certificates.
Matatagpuan sa Ershui Junior High School grounds ang pinakamataas na climbing wall sa Taiwan.
Nagkakaroon ang mga estudyante ng anim na climbing lessos kada linggo, at kailangan na maakyat ang 15-meter-high-rock wall para makuha ang kanilang graduation certificates.
Ang kakaibang requirement at hindi lamang hamunin ang limitasyon ng mga estudyante, kundi para mapalakas ang kanilang focus, balance, at physical coordination.
Katumbas ng limang palapag na gusali, ang rock wall sa Ershui Junior High School ay parang nakakatakot sa karamihang adults, subalit para sa mga batang estudyante, kailangan nilang magawa ang challenge kalapit ng kanilang graduation certificates.
Hindi rin natatakot ang mga estudyante, at sa katunayan nagugustuhan nila ang rock climbing, at kung minsan ay kasama pa nila ang kanilang mga magulang sa aktibidad.




