TUGUEGARAO CITY-Isinasailalim na sa imbestigasyon ang apat na lalaki na nahuli na suspek sa pagnanakaw sa isang malaking grocery store sa Barangay Buntun, lungsod ng Tuguegarao kaninang madaling araw.

Sinabi ni PLTCOL Richard Gatan, hepe ng PNP Tuguegarao, bago ang insidente ay itinawag ng may-ari ng Mariton grocery sa kanilang himpilan na may mga tao sa loob ng kanilang groserya batay sa monitoring nila sa kanilang CCTV.

Dahil dito, agad na rumesponde ang mga pulis kung saan ay nakita ang isang van malapit sa lugar na walang plate number ay tinakpan ang conduction sticker.

Nang inusisa ang van ay may dalawa na sakay ito at nang pinalabas ay nakita sa isa na may nakasukbit na baril sa kanyang baywang at nang halughugin ay may nakuha pa na ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sinabi ni Gatan na sa pagpasok naman ng mga pulis sa loob ng groserya ay isa na lang sa tatlo ang kanilang nadatnan dahil agad na nakatakbo sa likurang bahagi ng gusali ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Gatan na dahil sa kanilang pagkakataranta ay naiwan pa nila ang kanilang bolt cutter at iba pang gamit sa loob ng grocery store.

Sinabi ni Gatan na agad silang nag-flash alarm sa mga kalapit na PNP stations para sa dalawang nakatakas at nahuli naman ang isa sa bayan ng Enrile.

Ayon kay Gatan na mahigit P15k ang idineklara ng may-ari ng grocery store na nakuha ng mga kawatan na nabaw din mula sa mga ito dahil bigo silang mabuksan ang vault.

Naniniwala si Gatan na planado ang nasabing pagnanakaw dahil sa kumnpleto sa gamit ang mga ito at alam nila ang kanilang pinasukan.

Sinabi niya na dumaan sila sa bubong ng bahay na malapit sa groserya at nilagare ang grill ng bintana na ginamit nilang pasukan.

Ayon kay Gatan, iniimbestigahan na nila kung may grupo ang mga nasabing kawatan dahil magkakaiba ang lugar ng mga ito kung saan may taga-Baguio, Kalinga, Mt. Province at Tuguegarao.