
Nagpalitan ng maaanghang na pahayag si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro at Senadorang Imee Marcos matapos lumabas ang isang video sa social media na tumutukoy umano sa “ICC” bilang “impaktang Clai.”
Bilang tugon, sinabi ni Castro na hindi siya gumagamit ng ad hominem attacks at iginiit na ang mga nasa likod ng naturang video ang higit na nakaaalam sa kahulugan ng salitang “impakta.”
Dagdag pa niya, “It takes one to know one.”
Sinabi rin ni Castro na ang mga gumawa, lumahok, at nagdirehe ng video ang mas nararapat iugnay sa naturang paglalarawan, at iginiit na patuloy siyang naninindigan laban sa fake news.










