
Matiyagang nanunuod ang mga pamilya ng drug war victims na dumalo sa watch party ng Program Paghilom sa St. Arnold Janssen Kalinga Center sa Tayuman, Maynila.
Ito ay matapos pormal na mag-umpisa ang confirmation of charges hearing ng International Criminal Court (ICC) sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte (FPRRD).
Umaasa naman ang mga pamilya ng mga biktima na tutuloy ang asunto laban sa dating pangulo.
Bago magsimula ang confirmation of charges hearing, pinaliwanagan sila kung ano ang kahalagahan ng pagdinig na ito na tatagal sa loob nang ilang araw.
Idinetalye rin sa kanila ang mga posibleng mangyari sa pagdinig at mga susunod na hakbang pagkatapos nito.
Tiniyak naman sa mga pamilya na bagama’t wala sila mismo sa ICC ay kumakatawan para sa kanila ang mga abogado ng prosekusyon.










