photo credit: PNP Sta. Ana

Tuguegarao City- Naaagnas na ng makita ng mga otoridad ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae sa kabundukang bahagi ng Brgy. Casagan, Sta. Ana, Cagayan.

Sa panayam kay PSSGT. Charles Recolizado, imbestigador ng PNP Sta. Ana, ipinagbigay alam ng mga residenteng nangunguha ng panggatong sa lugar ang nakitang bangkay ng babae.

Nang respondehan ng pulisya ay napag-alamang nasa halos dalawang buwan na decomposition stage na ang mga labi ng biktimang nakasuot ng kulay pink na t-shirt na may tatak na “we make change for women” at jogging pants.

Nakatakda ring ilibing ang mga labi ng biktima sa Sta. Ana Cemetery.

photo credit: PNP Sta. Ana

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa iba’t ibang station ng pulisya ang PNP Sta. Ana para sa para sa posibleng pagkakatukoy sa pagkakakilanlan ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Recolizado na wala rin namang naiulat na missing sa bayan ng Sta. Ana kaya’t nanawagan siya sa publiko na makipag-ugnayan lamang sa kanilang hanay kung may nawawala silang kamag-anak.