Ipinag-utos na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagsibak sa serbisyo sa police officer matapos maging administratively liable sa Grave Misconduct and Conduct Unbecoming of a Police Officer na kaugnay ng insidente ng panggagahasa.

Sa naging decision, hinatulang guilty ng Commission En Banc si Patrolman Joshua Mendoza batay sa mga ebidensya, testimonya ng eyewitness, findings sa medico-legal, at CCTV footage.

Ayon sa komisyon, nakagawa si Mendoza ng mga kilos na nagpapakita ng sexual violence laban sa biktima na unconscious o walang kakayahang makapagbigay ng consent – malinaw na paglabag umano sa Anti-Rape Law of 1997.

Samantala, pinawalang-sala naman ang patrolman na si Jehan Mendoza, isa pa sa mga napangalanan sa reklamo, matapos hindi makitaan ng koneksyon sa mga ebidensyang nakalap.

Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan, walang lugar sa serbisyo ang ganitong mga karahasan at moral depravity.

-- ADVERTISEMENT --

Ang ganitong kilos umano sa mga kababaihan na unconscious ay hindi lamang krimen kung ‘di grave assault sa dignidad ng uniporme, at paglabag sa tiwala ng publiko.