Humingi ng tulong sa Central Office ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang tiyahin ng 14 anyos na babae, matapos umano itong gahasain ng tatlong beses ng isang Patrolman sa District Mobile Force Batallion ng Nueva Ecija.

Ayon kay alias “Inday”, tiyahin ng biktima, nagkakilala umano ang biktima at ang suspek sa kaniyang trabaho, at nagpakilala na binata, kahit may anak at asawa na ito.

Pinangakuan pa umano ng suspek ang biktima ng kung ano-ano, hanggang sa naging magkasintahan na noong Abril.

Unang beses naman umanong nangyari ang panggagahasa noong May 7 sa La Union habang lasing ang suspek.

Samantala, nasundan pa umano ito noong May 10 at June 5 sa San Antonio, Nueva Ecija.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kwento nang tiyahin ng biktima, nalaman niya umano na may relasyon na ang biktima at ang suspek nang paulit-ulit umanong tumawag ang suspek sa social media account ng biktima na naka-log in sa cellphone ng tiyahin, nabasa rin umano ng tiyahin ang pag-uusap ng dalawa.