Idiniin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamamagitan ng Office of Civil Defense na ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay hindi lamang simpleng “duck, cover and hold” kundi isang full-scale test ng buong disaster response system ng bansa.

Sa hudyat ng sirena pasado alas-9:00 ng umaga kanina, sinubok ang koordinasyon ng mga ahensya sakaling tumama ang malakas na lindol na dulot ng paggalaw West Valley Fault.

Kasabay nito, inilunsad ang Harmonized National Contingency Plan para sa high-intensity earthquake bilang gabay sa mabilis at pinagsamang pagtugon ng national at local government units.

Ayon sa OCD, layon ng drill na paigtingin ang command, coordination, at emergency response systems lalo na matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao na muling nagpaalala sa panganib ng malalakas na pagyanig.

Giit naman ng PHIVOLCS, ang mga ganitong drill ay mahalaga upang matukoy ang kahinaan ng mga plano at mas mapalakas ang kahandaan ng mga komunidad sa aktwal na sakuna.

-- ADVERTISEMENT --