Iminungkahi ni House Committee on Public Order and Safety Chairman at Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano sa Philippine National Police o PNP ang pagsasagawa ng nationwide firearms safety and compliance drive kasunod ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga.

Ayon kay Valeriano, dapat tiyakin ng PNP Firearms and Explosives Office na tama ang pagpaparehistro ng mga baril, lalo na sa mga bahay na may mga bata.

Dapat ding paalalahanan ang mga gun owner na itago nang maayos ang kanilang mga armas upang hindi makuha at magamit ng mga menor de edad.

Iminungkahi rin ni Valeriano na pansamantalang suspindihin ang security agency at mga guard na nakaduty nang mangyari ang insidente at palitan muna sila ng mga tauhan ng PNP habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Giit ng mambabatas, hindi dapat ituring na magkakahiwalay na insidente ang mga kaso ng karahasan sa mga paaralan dahil may kaugnayan ang mga ito sa seguridad at pagpapatupad ng batas.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, hindi rin dapat gamitin ang mga insidente bilang dahilan upang muling dagdagan ang confidential funds ng Department of Education.