Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development o DSWD laban sa patuloy na pagpapakalat ng graphic photos at videos ng school shooting sa Zamboanga City.

Ayon sa DSWD, paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang paglalantad ng mukha o pagkakakilanlan ng mga batang biktima, saksi o menor de edad na sangkot sa insidente.

Maaari rin umano itong ituring na child abuse dahil nakaaapekto sa emosyonal at mental na kalagayan ng mga bata at maaaring magdulot ng karagdagang trauma sa kanilang pamilya.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon tungkol sa insidente.

Nanawagan ang DSWD sa mga mamamahayag, vloggers at netizens na maging responsable at igalang ang dignidad at karapatan ng mga bata.

-- ADVERTISEMENT --