Nilinaw ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na hindi nagpaputok ng baril ang driver na kaugnay ng NBI team sa naganap na insidente ng pamamaril malapit sa Senado.

Ayon kay Matibag, ang naarestong indibidwal ay isang driver lamang ng NBI agent at itinuring na “force multiplier” o volunteer asset ng ahensya.

Sinabi rin niya na batay sa mga video mula sa body camera at media footage, nakita ang naturang driver sa ikalimang palapag ng GSIS building na walang dalang baril sa gitna ng insidente.

Paliwanag pa ng opisyal, “vest at radyo” lamang ang hawak nito at hindi armas.

Naganap ang insidente sa loob at paligid ng Senate complex na matatagpuan sa GSIS building sa Pasay City, kung saan patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --