
Nilinaw ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang plano nitong mag-isyu ng subpoena laban kay Nancy Dela Rosa, asawa ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ay hindi para tukuyin o hanapin ang kinaroroonan ng senador.
Ayon sa NBI, ang hakbang ay kaugnay ng imbestigasyon at hindi nakatuon sa paghahanap kay Dela Rosa, na umano’y hindi na nakikita sa publiko matapos ang mga naunang insidente sa Senado.
Sinabi ng ahensya na may mga pahayag umano na nagsasabing nakipag-ugnayan si Nancy Dela Rosa sa pamamagitan ng text at nagbahagi ng impormasyon tungkol sa sitwasyon ng senador bago ito mawala sa public view.
Giit ng NBI, ang subpoena ay bahagi ng pagkalap ng impormasyon mula sa mga posibleng may alam sa mga pangyayari at hindi para alamin ang lokasyon ng mambabatas.










