Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para tiyakin ang seguridad sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay NCRPO Regional Director PMGen. Anthony Aberin, mahigit 21,000 pulis ang ipakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang Batasang Pambansa, mga pangunahing lansangan, transport terminals, mga itinalagang rally site, at iba pang mahahalagang lugar.

Palalakasin pa ito ng 3,000 standby personnel mula sa iba’t ibang Police Regional Offices.

Simula Hulyo 24 ay isasailalim sa full alert status ang NCRPO.

Magpapatupad din ng No Fly Zone, No Drone Zone, at pansamantalang suspensiyon ng Permits to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa araw ng SONA bilang bahagi ng mas pinaigting na seguridad.

-- ADVERTISEMENT --