Naka-heightened alert na ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at 44 na member-agencies nito bilang paghahanda sa mga epekto ng Super Typhoon Bavi, na nananatiling nasa labas ng bansa.

Base sa forecast ng weather state bureau, inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon gabi nitong Martes o umaga bukas, Miyerkules at tatawagin itong bagyong Inday.

Ayon kay Office of the Civili Defense (OCD) administrator ASec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, binabantyan na nila ang bagyo simula pa noong weekend at inatasan nang maghanda ang member agencies.

Liban dito, minomonitor din ang pinaigting pang hanging habagat na nagdadala ng mabibigat na pag-ulan sa western seaboards ng Region 1 hanggang Region 4B partikular na sa Palawan.

Kaugnay njito, inilagay na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang disaster response units nito sa mataas na alerto bago ang inaasahang pagpasok ng bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Naka-preposisyon na rin sa buong bansa ang kabuuang 4.775 million family food packs.