Naglabas ang Commission on Audit o COA ng notice of disallowance laban sa construction firm na pag-aari ng asawa ni COA Commissioner Mario Lipana.

Ayon kay Davao del Sur Representative John Tracy Cagas, sinabi ito ng mga opisyal ng COA habang ipinagtatanggol niya sa House plenary ang panukalang ₱2027 budget ng ahensya.

Gayunman, nilinaw ni Cagas na hindi pa pinal ang notice of disallowance at kasalukuyan itong inaapela sa COA Public Works, Transport and Energy auditing cluster.

Naungkat ang isyu matapos kuwestiyunin noong 2025 ang koneksyon ni Lipana sa mga government contract, kung saan nakalistang may-ari ng Olympus Mining and Builders Group Phils. Corp. ang kaniyang asawang si Marilou Lipana.

Ayon kay Cagas, mag-i-inhibit si Lipana sakaling umabot sa COA en banc ang apela.

-- ADVERTISEMENT --