
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang panukalang pambansang badyet na nagkakahalaga ng ₱7.2 trilyon para sa taong 2027.
Nakakuha ang House Bill 10858 ng 281 boto pabor, 13 boto laban at isang abstention sa botohan nitong Lunes, Oktubre 12.
Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, tiniyak ng Kamara na mapupunta sa wastong paggasta ang bawat sentimo ng buwis ng mamamayan.
Isusumite na ang panukalang badyet sa Senado para sa pagsusuri.
Pagkatapos nito, magsasagawa ng bicameral conference committee upang pagkasunduin ang magkaibang bersiyon ng dalawang kapulungan bago isumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pag-apruba.
-- ADVERTISEMENT --










