Nagbabala ang Verizon sa patuloy na pagtaas ng mga data breach na may kaugnayan sa artificial intelligence o AI, matapos matuklasan na mas ginagamit na ngayon ng mga hacker ang AI upang mabilis na matukoy at mapagsamantalahan ang kahinaan sa software systems.

Batay sa taunang ulat ng Verizon, 31% ng mahigit 31,000 insidente ng data breach ay nagsimula sa exploitation ng software vulnerabilities, na mas mataas na ngayon kaysa sa paggamit ng mga nakaw na credentials.

Ayon sa kumpanya, ginagamit na rin ng cybercriminals ang generative AI sa iba’t ibang yugto ng cyberattacks kabilang ang pag-target ng biktima, pagpasok sa system, at pagbuo ng malware.

Nagbabala rin ang ulat tungkol sa pagdami ng tinatawag na “Shadow AI” o paggamit ng hindi awtorisadong AI tools ng ilang empleyado, na nagiging sanhi rin ng data loss incidents.

Dahil dito, iginiit ng Verizon na kinakailangan nang “labanan ang AI gamit din ang AI” upang mapalakas ang cybersecurity defenses laban sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at cyber threats.

-- ADVERTISEMENT --