Nakitaan ng OceanaGold Philippines ng potensyal na madagdagan ang tinatayang mineral resources sa Didipio gold-copper mine sa Nueva Vizcaya kasunod ng positibong resulta ng bagong drilling operations.

Ayon sa kumpanya, nakumpirma sa mga pagbabarena ang presensya ng deposito ng ginto at tanso sa mas malalim na bahagi ng minahan at maging sa labas ng kasalukuyang resource boundaries.

Kabilang sa mga resulta ang 116.7 metrong mineral intersection na may average na 2.29 grams per ton ng gold equivalent, habang nakapagtala rin ng 66 metro na may average na 8.07 grams per ton.

Nakita rin ang potensyal na mas mataas na konsentrasyon ng mineral sa True Blue target, na nasa humigit-kumulang 800 metro hilagang-silangan ng kasalukuyang underground mine.

Ayon kay OceanaGold Philippines President Atty. Joan Adaci-Cattiling, nagpapatuloy ang teknikal na pagsusuri upang matukoy kung maaari nang magkaroon ng paunang pagtataya sa mineral resources ng True Blue.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan namang makatutulong ang mga resulta ng drilling program sa pag-update ng mineral resources estimate ng Didipio mine bago matapos ang 2026.